-- Advertisements --

Sisimulan na sa Setyembre 17 ang plebesito sa planong gawing dalawang probinsiya ang Maguindanao.

Ito inanunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson Rex Laudiangco.

Sa ilalim ng Republic Act 11550 nakasaad dito ang batas na naghahati sa probinsiya ng Maguindanao at magiging Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ito.

Ang dalawang probinsiya ay malilikha sa pamamgitan ng mayorya ng boto ng mga apektado sa lugar.

Ang plebesito ay isasagawa ng Comelec sa loob ng 90 days o tatlong buwan matapos itong maging ganap na batas.

Ang naturang batas ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 26.

Nailathala naman ito sa website ng Official Gazette noong May 27.

Sa ilalim ng batas ang Maguindanao del Norte ay kinabibilangan ng mga munisipalidad ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Talitay.

Magiging kabisera naman ang Datu Odin Sinsuat.

Ang Maguindanao del Sur naman ay kinabibilanga ng Ampatuan, Buluan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan at South Upi.

Magiging capital nito ang Buluan.