-- Advertisements --

Pagsusuutin na ng NBA ang mga players ng mga tracking devices upang pag-ibayuhin pa ang pag-iingat para hindi sila mahawa sa deadly virus.

Ipapatupad na ito ng liga simula sa susunod na linggo.

Liban sa mga players lalagyan din ng mga sensors ang mga team officials, mga coaches, team buses at eroplano.

Ang hakbang ng NBA ay upang agad na matukoy kung sino sa mga players at mga kasama ang dapat na ma-quarantine sakaling merong magpositibo sa coronavirus sa mga team members.

Ang contact tracing devices ay agad ding mag-aabiso sa nakasuot nito kung mapalapit sila ng anim na talampakan sa mga sensors.

Gayunman, hindi na raw kailangan magsuot pa ng tracking devices ang mga players kung nasa loob na ng hotel o kaya nasa kalagitnaan ng laro.