Binigyang diin ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na ang planong reciprocal access agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay lubos na magpapalakas sa kooperasyong militar sa pagitan ng dalawang bansa.
Aniya, ang iminungkahing reciprocal access agreement ay magpapadali sa mga pamamaraan at magtatakda ng mga patnubay kapag bumisita ang pwersa ng Pilipinas sa Japan para sa joint exercises.
Sinabi ni Año na ang pangako ng Japan na magbigay ng coastal surveillance radar at suporta sa pamamagitan ng Official Security Assistance (OSA) program ay isang patunay ng dedikasyon ng Japan sa pagpapalakas ng mga kakayahan sa seguridad.
Idinagdag ni Año na ang patuloy na trilateral cooperation sa pagitan ng Japan, Pilipinas at Estados Unidos ay napakahalaga sa pangangalaga sa kalayaan ng mga karagatan sa West Philippine Sea at pagtataguyod ng international law.
Ayon sa opisyal, ang gobyerno ng Pilipinas ay umaasa sa mga negosasyon at pagpapatupad ng mga kasunduan at mga hakbangin na nabanggit, na walang alinlangang magpapalakas sa partnership at mag-aambag sa isang mas ligtas at matatag na Indo-Pacific region.