-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Mariing kinondina ng mga residente ng Brgy. Carael, Dagupan City ang planong pagtatayo ng cellular tower sa residential area ng Carael East.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kapitana Minda Velasquez, sinabi nito na bagamat hindi sila tutol sa pagnanais ng pamunuan na magtayo ng cellular tower sa kanilang lugar, ay tutol naman sila sa usaping ito dahil ikinababahala nila ang maaaring maidulot na masamang epekto sa kanilang katawan ang mga radio waves na magmumula sa tower kung sakaling maitayo ito.

Giit nito na kung nais talaga nilang magpatayo ng cellular tower ay mas mainam kung itatayo nila ito malayo sa mga kabahayan at residente.

Sa ngayon ay mayroon nang mga trabahador na nagsisimula nang maglagay ng kanilang kagamitan sa naturang lugar, subalit hindi pa nila nakakausap ang namamahala sa naturang proyekto

Humihiling naman sila sa Barangay Council at sa Konseho ng lungsod ng resolusyon na tumututol din sa pagpapatayo ng nasabing tower.