Suportado ng Department of Natonal Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) ang planong pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kina Defense Sec. Delfin Lorenzana at PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa, pabor sila sa pahayag ng pangulo na dapat ng buwagin ang CHR.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi nila kailangan ang CHR para lecture-an sila kaugnay sa karapatang pantao dahil alam nila ang kanilang ginagawa at may konsensiya rin naman.

Aniya, kaya namang dispilinahin ng PNP ang kanilang mga pulis at sa pagsasagawa ng checks and balances sa kanilang hanay.

Para naman kay Lorenzana, hindi na kailangan ang CHR dahil kasama sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang Konstitusyon kabilang na ang Bill of Rights o ang karapatan ng mga tao.

Giit ng DND chief na kaya nilang disiplinahin ang kanilang mga tauhan na lalabag sa human rights.