Sisimulan ang planong muling pagbuhay ng industriya ang asin sa bansa sa pamamagitan ng pagtukoy sa tunay na estado ng lokal na industriya ng asin sa bansa makalipas ang maraming taon na nababalewala.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang pag-implementa ng P100-million revitalization program para sa industariya ng asin.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng profiling, pag-assess at shortlisting ng mga existing salt production areas sa Ilocos region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Tutukuyin at pipiliin ang project sites ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) sa pakikipag-ugnayan sa Bureau fisheries and Aquatic Resources BFAR) regional field offices at local government units (LGUs) sa nasabing mga rehiyon.
Target ng DA na makalikha ng isang komprehensibong profile para sa mga magsasaka ng asin, producers, traders, distributors, importers at consumers sa buong bansa at matukoy ang mga lugar kung saan may efficient salt production.
Plano din ng DA na buksan ang naturang proyekto para sa mga salt producers na nais na sumailalim sa pagsasanay sa mga gagamiting teknolohiya para sa product formulation, packaging at labeling.
Dapat nakarehistro ang mga ito sa ilalim ng fisherfolk registry system ng mga lokal na pamahalaan o Registry System for basic Sectors in Agrikultura.
Kamakailan ng mag-isyu ang DA ng implementing guidelines ng Development of Salt Industry Project (DSIP)
Sa kabila kasi ng 36,000 kilometers na baybayin na mayroon ang bansa, umaangkat pa rin tayo ng 93% ng pangangailangan sa asin mula sa ibang bansa.
Binigyang diin ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na hindi kaya ng bansa na matustusan ang pangangailangan nito sa asin dahil sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno.