KORONADAL CITY – Matagumpay na napigilan ng mga kasapi ng 27th Infantry Battalion Philippine Army ang planong pag-atake ng mga komunista at New People’s Army (NPA) sa T’boli, South Cotabato.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay 27th Infantry Battalion Philippine Army Commander Lt. Col. Jones Otida, nakatanggap ng report ang tropa mula sa mga residente tungkol sa mga itinagong armas ng rebeldeng grupo na gagamitin daw ng mga ito sa planong pagsunog sa isang malawak na banana plantation sa lugar.
Kaagad na rumesponde ang militar at narekober sa Mr. Marbao, Barangay Kematu, T’boli, South Cotabato, ang mga armas na kinabibilangan ng M60, bulldog machine gun, mga bala at iba pang kagamitan sa gagawing pag-atake.
Posibleng mula sa Platoon Brigol, Guerilla Front Musa Far South Mindanao Region ang nasambit mga armas.