-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — “Dahil sa kapabayaan ng gobyerno.”

Ito ang binigyang-diin ni Nico Oba, miyembro ng Filipino Nurses United, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa pano si Sen. Christopher “Bong” Go na paimbestigahan sa Senado ang napakababang pasahod sa mga Filipino Nurses, partikular na ang mga nasa pribadong ospital.

Aniya na hindi lamang ito pagkukulang ng pamunuan ng mga pribadong pagamutan, sapagkat isa na nilang matagal na panawagan ang mabigyan ng atensyon ang kalagayan ng mga nurses subalit nananatili naman silang nakabaon sa sitwasyong ito.

Dahil dito aniya ay marami ang nagsi-alisan, nagkaroon ng brain drain na nagdudulot naman upang hindi na sila magkaroon ng kakayahan na pangalagaan ang kanilang mga pasyente at mga Pilipino na nangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugan.

Bagamat ang Pilipinas aniya ang may pinakamaraming bilang ng mga nurses sa buong mundo sapagkat halos sa bansa nanggagaling ang magagaling na mga nurses at tinitingala ang Pilipinas sa larangan ng pangangalaga sa mga pasyente ay nananaig naman ang kawalan ng sapat sa suporta, pagtulong, at pagkalinga para sa mga ito mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Oba na ang kakulangan ng pagpapahalaga at pagtingin ng mga kinauukulan sa mga Filipino nurses, sa pampubliko o pribado mang ospital, ay nasasaksihan at nararamdaman nila sa kabila ng serbisyo na ibinibigay nila sa publiko.

Kaya naman isa ani Oba na malaking tulong para sa kanilang sektor ang planong pag-imbestiga ng Senado sa napakababang pasahod na matagal nang idinadaing sa pamahalaan ng mga Filipino nurses, na sobrang tagal nang inabuso at naubos na ang lakas sa paghingi ng panawagan na tugunan ang kanilang sitwasyon.

Kaugnay nito ay maituturing naman na isang napaka-delayed na na pagtugon ang isinusulong ngayon na pagpapatupad ng Salary Standardization Law 5 para maitaas ang sahod ng mga Filipino nurses at healthcare workers.

Aniya na ito ay isang panukala na matagal nang dapat na naipatupad upang maipantay ang sahod ng mga nurses sa pasahod ng mga karatig na bansa sapagkat napakababa ng sahod ng mga ito hindi lamang sa mga pampublikong ospital, subalit lalong lalo na sa mga nurses ng pribadong pagamutan.

Saad pa nito na kung ikukumpara sa kasalukuyang antas ng inflation sa bansa ay hindi tumutugma ang SSL5 upang punan at tugunan hindi lamang ang napakababang sahod ng mga nurses subalit gayon na rin sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan kaya naman karamihan sa mga ito ang mas pinipili na lamang na makipagsapalaran sa ibang bansa…