-- Advertisements --
image 693

Planong mag-deploy ng karagdagang bus ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kasabay ng pagkaubos ng tickets sa ilang mga destinasyon sa gitna ng inaasahnag pagdagsa ng mga pasahero para sa Holy week break.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador na ngayon pa lamang ay nakakaranas na sila ng influx ng mga pasahero simula noong nakalipas na linggo kung saan dagsa na ang nagpapabook ng maaga, reservations at nagkakaubusan na rin ang ilang tickets lalo na sa mga biyaheng patungong Bicol.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng PITX sa bus operators na mag-deploy ng karagdagang units.

Kalakip nito ay magiisyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits para sa mga karagdagang units.

Payo din ng tagapagsalita ng PITX sa mga pasahero na tawagan muna ang kanilang desired bus operators o ang PITX bago magtungo sa terminal para malaman kung mayroon pang available slots papunta sa kanilang mga destinasyon.

Kung wala naman, maaaring kumuha ng reservation upang malaman kung ilang mga bus ang kailangan para matugunan ang demand ng mga pasahero.