-- Advertisements --

Umabot sa 130-K na pasahero ang tumungo sa Paranaque Integrated Terminal Exchange nitong Biyernes, ilang araw bago sumapit ang Semana Santa. 

Inaasahan ng pamunuan ng PITX na aabot sa 1.7 na milyong pasahero ang tutungo sa terminal para umuwi sa kani-kanilang probinsiya partikular na sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, at Bicol ngayong Holy Week break. 

Nag-set up na ng police assistance desks at ilang K-9 units na rin ang mayroon sa terminal. 

Hinimok naman ni PITX Head of Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador ang mga pasahero na magsuot ng face mask habang nasa loob ng public utility vehicle lalo na dumarami ang kaso ng pertussis o whooping cough.