-- Advertisements --
Plano ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITC) na higipitan ang kanilang seguridad matapos ang nangyaring pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija.
Sinabi ni PITX corporate and Government relations head Jason Salvador, ay walang magiging problema kung sa terminal sasakay ang mga pasahero dahil may mga nakatalagang guwardiya na titingiin sa mga bahagi.
Subalit ang hindi mababantayan ay yung mga pasahero na sasakay sa mga kalsada.
Iminungkahi nito ang pagkakaroon ng metal detector sa mga buses para agad na masita ang mga may dalang kontrabando.
Magugunitang binigyan na ng show cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Victory Liner bus matapos ang pamamaril sa dalawang pasahero nito.