Nananatiling apektado sa African Swine Fever ang pitong rehiyon sa buong bansa.
Ito ay batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry(BAI).
Lumalabas sa nasabing datus na mula sa pitong rehiyon, labindalawang probinsya dito ang apektado habang kabuuang 118 na brgy ang nakakapagtala ng ASF cases.
Kabilang sa mga rehiyong apektado ay ang Ilocos Region, Cagayan Valley Region, CALABARZON, Region V, Region IV, REgion VII, at Region XII
Ayon kay Dr. Samuel Castro, Deputy Program Coordinator ng National ASF Prevention and Control Program, marami sa mga lugar na apektado ay yaong mga kabilang sa Negros Occidental.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang pagsisikap ng DA, kasama na ang mga LGU upang makapagpatupad ng mga programang makakapigil sa lalo pang pagkalat ng ASF Virus sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon kay Dr. Castro, pangunahin pa ring dahilan ng pagkalat ng nasabing virus ay ang swill feeding o pagpapakain ng mga hindi malinis na pagkain sa mga baboy, katulad ng mga sira o tira-tirang pagkain, kasama na ang mga karne ng baboy na una ring apektado ng ASF.