ATLANTA – Nagtapos na may 27 points at siyam na assists si Derrick Rose, nagdagdag ng 25 points si Svi Mykhailiuk, at nasungkit ng Detroit Pistons ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos igupo sa 136-103 victory ang Atlanta Hawks.

Nasungkit ng Pistons ang season high points nila at may 59.3 from the field points, dalawang araw matapos na manalo naman kontra Boston.

Kumamada ng 22 points off the bench si Markieff Morries, at may bitbit na 16 points, 17 rebounds at limang steals si Andre Drummond sa panalo ng Pistons ngayong araw.