-- Advertisements --

Umaasa ang mga analysts na babawi sa panghihina ang halaga ng piso kontra dolyar bago matapos ang taong kasalukuyan.

Una na rito, nitong akalipas na araw ay nakapagtala ng pagsadsad sa 18-year low ang piso kontra sa dolyar na siyang pinakamahina mula noong taong 2004.

Ayon sa ilang analysts bahagya umanong lalakas ang piso sa nalalapit na mga buwan, dahil sa seasonal remittances.

Sinasabing bahagya umanong makakabawi ang piso bunsod na rin nang inaasahang papasok na mga dolyar mula sa mga OFW lalo na sa kapaskuhan o Disyembre.

Ukol naman sa inflation rate, nakadepende pa rin daw ito sa maraming factors.