Dumating na sa Department of Justice (DOJ) si Jey Rence Quilario o “Senior Agila,” ang pinuno ng Socorro Bayanihan Services Inc., para dumalo sa preliminary probe sa mga alegasyon ng child abuse laban sa kanya.
Nag-ugat ito sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation para sa trafficking, kidnapping at serious illegal detention, child marriage, at child abuse and exploitation.
Pansamantalang pinalaya si Quilaro at ang kanyang mga kasama sa kustodiya ng Senado para dumalo sa nasabing imbestigasyon.
Nauna silang pina-cite in contempt ng Senado noong Setyembre 28 matapos ang paulit-ulit na pagtanggi na may child marriage na naganap sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte sa kabila ng mga testimonya ng mga biktima.
Sinusuri ng Senate panel ang umano’y operasyon ng shabu laboratory, umano’y sistematikong panggagahasa, sexual abuse, trafficking, forced labor, at child marriage na kinasasangkutan ng Socorro Bayanihan Services Inc.
Sa darating na Sabado, isang joint Senate committee ang magsasagawa ng ocular sa Sitio Kapihan para makagawa ng isang credible na ulat ng komite.