-- Advertisements --
Bahagyang naantala ang paghimay ng pondo sa Senado para sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Pero hindi ito tungkol sa mga dokumento, kundi sa tauhan ng ahensya na naaktuhang umiinom umano ng alak habang nagpapatuloy ang deliberasyon.
Kinilala ito ng acting SP na si Sen. Sherwin Gatchalian na si APO printing GM Dominic Tajon.
Ikinadismaya naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang naging asal ng opisyal.
Bunsod nito, nais pagpaliwanagin ng mga mambabatas ang ilang opisyal ng PCOO upang ipaliwanag ang naturang hindi magandang pangyayari.