Inusisa ni Brosas kung magkano ang budget na ilalaan ng gobyerno para sa Constitutional Convention.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng komite, nasa P5 billion ang kanilang tinatayang gagastusin.
Ayon kay Brosas, masyadong malaki ang naturang halaga.
Magbibigay aniya ng kompensasyon na P10,000 kada araw para sa mga delegado ng Con-Con, gayung hindi nagbibigay ng dagdag na sahod para sa mga manggagawa.
Paalala pa ni Brosas, may mga panawagan para sa P10,000 na ayuda ang mga mamamayan para makasabay sa walang-humpay na inflation, at krisis na hinaharap.
Tinutulan ni Brosas ang naturang gastos para sa Con-Con delegates.
Ayon naman kay Leyte Rep. Richard Gomez, masyadong malaki ang P10,000 kaya dapat kasama na rito ang “transportation and lodging.”
Katwiran ni Gomez, maski ang “salary grade” ng mga kongresista ay walang P10,000 ang rate kada araw.