-- Advertisements --
image 65

Umabot na sa kabuuang P6,978,388,000.00 ang halaga ng danyos na iniwan ng Supertyphoon Egay at Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa datus ng Department of Public Works and Highways(DPWH), marami sa mga napinsala ay ang mga kalsada, tulay, flood control structures, at iba pang pampublikong imprastraktura.

Naitala ang mga ito sa mga rehiyon ng CAR, RI, RII, RIII, RIV-A, RIV-B, Western Visayas, at SOCCSARGEN.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 15 ang bilang ng mga kalsada na limitado lamang ang makakadaan. Ito ay matapos madagdagan ng apat na kalsada ang 11 lamang kahapon.

2 rito ay mula sa CAR, 8 sa Ilocos Region, 4 sa Central Luzon, at 1 sa Western Visayas.

Nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga kalsadang hindi pa rin madaanan, dahil sa nagpapatuloy na mga clearing operations.

Sampu rito ay mula sa CAR, tatlo sa RI, at tatlo sa RIII.