Tinatayang aabot sa P41.2 billion ang halaga ng pinsala ang idinulot sa coastal communities ng tumagas na langis mula sa MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Sa ulat ng Center for Energy, Ecology, and Development, nasa Php40.1 billion ang environmental damage na idinulot ng naturang oil spill, habang nasa Php1.1 billion naman ang socio-economic losses na naitala nito.
Ang mga ito ay katumbas ng 800% na total cost na mas mataas kumpara sa una nang naging assessment ng pamahalaan hinggil sa nasabing insidente.
Kung maaalala, hindi lamang ang mga residente ng Mindoro ang naapektuhan ng oil spill kundi maging ang iba pang nakapaligid na komunidad na umaasa sa mga resources sa Verde Island Passage para sa kanilang survival.
Matatandaan din na may kargang 800,000 liters ng industrial fuel oil nang lumubog ito sa bayan ng Naujan noong Pebrero 28, 2023 na nagdulot naman ng malawakang oil spill na umabot pa sa iba’t-ibang mga baybayin ng mga probinsya sa paligid ng Verde Island Passage. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)