-- Advertisements --

Patuloy na nadadagdagan ang mga pinsalang idinudulot ng El Nino phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa ngayon ay umakyat na sa Php941,730,702 ang naitalang production loss at cost of damage sa agrikultura.

Nangunguna sa listahan ng nagtamo ng malaking pinsala ang Western Visayas na umabot sa Php564,056,192 agricultural damage; na sinundan naman ng Mimaropa na mayroong Php319,755,957; Ilocos region na mayroong Php54,450,077; Calabarzon na nagtamo ng Php2,750,947; habang ang Zamboanga naman ay nakapagtala ng Php717,527 na pinsala sa agrikultura.

Kaugnay nito ay nasa kabuuang 16,709 na mga magsasaka at mangingisda rin ang naapektuhan ng El Nino, gayundin ang nasa 14,854 hectares ng mga pananim.

Samantala, bilang tugon naman ay pinaplano ngayon ng lokal na pamahalaan na magtatag ng mga water impoundment at magbigay din ng alternative high value crops sa mga apektadong magsasaka.