Sumampa na sa P308 million ang pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastruktura sa bansa mula sa malawakang pagbaha dala ng matinding pag-ulan dahil sa epekto ng low pressure area (LPA), shear line at amihan.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P142 million na ang nasira sa agrikultura habang nasa humigit kumulang P165 million naman sa imprastruktura.
Nananatili naman sa lima ang bilang ng nasawi kung saan lima dito ay mula sa Bicol o Region 5, 4 sa Northern Mindanao o Region 10 at 1 sa Davao region o Region 10.
Ang naturang datos ay hiwalay pa sa naitalang 52 fatalities na naitala ng NDRRMC dahil sa pag-ulan na naranasan noong nakalipas na Pasko.
Nakapagtala naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng dalawang fatalities sa Samar na nakatakda pang i-validate ng NDRRMC.
Mayroon ding dalawang katao ang naitalang nawawala habang nasa apat katao naman ang sugatan.
Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang paglikas, search at rescue operations sa mga apektadong residente.
Nasa kabuuang 106,951 pamilya o mahigit 400,000 indibdiwal ang apektado sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao.
Pinakamaraming bilang ng mga apektadong pamilya ay sa Central Luzon sinundan ng Mimaropa, Davao region at Eastern Visayas.