-- Advertisements --
image 60

Tinatayang nasa mahigit P300 milyon ang pinsala sa imprastraktura dulot ng pananalasa ng Bagyong Goring at ang pinalakas na Southwest Monsoon.

Sinabi ng DPWH na umabot na sa P379.58 milyon ang tinatayang pinsalang dulot ng sama ng panahon sa mga national road, tulay, at flood-control structures.

Ang pinsala sa mga kalsada ay umabot sa P143.28 milyon, habang ang pinsala sa mga tulay at flood control structures ay umabot sa P13.44 milyon at P222.85 milyon para sa ibang mga imprastraktura.

Naitala ang mga nasirang imprastraktura sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley.

Sinabi ng DPWH na may kabuuang 24 na kalsada ang muling binuksan ng kanilang Quick Response Teams (QRTs) kasunod ng sama ng panahon.

Sinabi ng ahensya na ang Quick Response Teams ay nagsasagawa pa rin sa kasalukuyan ng paglilinis sa kabuuang anim na road section sa CAR at Ilocos Region na nananatiling sarado para sa publiko.