-- Advertisements --
Agrikultura

Umabot na sa mahigit isang bilyong piso ang iniwang pinsala ng magkakasunod na bagyong Goring, Hanna, at Hanging Habagat sa sektor ng Agrikultura sa buong bansa.

Ayon sa Department of Agriculture – DRRM Operations Center, binubuo ito ng P905.9 million sa halaga ng mga pananim na palay, P147.43m na halaga ng mga maisan, at P12.50M na HVCC.

Sa talaan ng naturang ahesniya, umaabot sa 31,060 na magsasaka sa buong bansa ang naapektuhan at kabuuang 42,333 na ektarya ng mga pananim ang nasira.

Tinatayaang aabot din sa 46,811 metriko tonelada ang kabuuang produksyon na nasira sa buong bansa, na pangunahing binubuo ng mga palay.

Inaasahan namang madadagdagan pa ang naturang halaga habang nagpapatuloy pa rin ang validation ng mga field officers ng DA, sa mga apektadong lugar, kasama na ang mga malalakas na pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa.

Tiniyak naman ng DA na nakahanda ang P100million na halaga ng mag binhi ng mais, palay, at iba pang high value crops para sa mga magsasakang naapektuhan sa mga nasabing kalamidad.