-- Advertisements --
Lumobo pa sa P27.2 million ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa mga electric cooperative sa ilang lugar sa bansa.
Base sa ulat ng National Electrification Administration (NEA), pinakamalaking pinsala ang naitala sa Quezon 1 Electric Cooperative, Inc., (Quezelco I). Sinundan ito ng Camarines Norte Electric Cooperative Inc., (Canoreco) at Marinduque Electric Cooperative Inc. (Marelco).
Mula naman sa 33 electric cooperatives kahapon, bumaba na sa 28 ang bilang ng mga electric coop na nasa ilalim pa rin ng partial power interruption.
Samantala, hanggang ngayong araw, naibalik na ng First Laguna Electric Cooperative Inc., ang suplay ng kuryente sa 99.39 percent o 163 ng kabuuang 164 na barangay sa Laguna.