-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 1.39 billion pesos ang halaga ng mga nasira sa agricultural crops, livestock, fisheries at high value crops ng bagyong Florita batay sa inilabas na partial report ng Department of Agriculture (DA) region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo na ang damage sa agricultural crops, livestock at fisheries sa buong rehiyon dos ay umaabot na 1.39 billion pesos at madadagdagan pa ito sa kanilang final report na ilalabas sa araw ng Lunes.

Sa palay ay may 19 million pesos ang halaga ng mga partially damaged.

Malaki ang halaga ng mga nasirang mais na umaabot 1.3 billion pesos na kinabibilangan ng 4,500 hectares totally damaged at 62,946 hectares na partilally damaged.

Sa high value crops na pawang partially damaged ay nagkakahalaga ng 25 million pesos.

Sa livestocks ay may mga namatay na kambing, kalabaw, baboy, manok, pato at iba pa na aabot ng 1.9 million pesos.

Sa fisheries batay sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay 3.2 million pesos.

Sinabi pa ni Regional Executive Director Edillo na iniutos na ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya ring umaaktong kalihim ng DA na isapinal na ang report ng DA region 2 .

Ayon kay Ginoong Edillo, inatasan na niya ang mga City at Municipal Agriculture Offices sa region 2 na magsumite ng final report hanggang sa itinakdang deadline sa August 29, 2022.