-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umakyat na sa P83.5 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura na iniwan ng bagyong Agaton sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Cindy Ferrer, spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD) Region 6, sinabi nito na inaasahan pang tataas ang bilang na ito sa mga susunod na araw.
Pinakaapektado ng bagyo ang mga sakahan sa Batad at Sara sa Iloilo; Mambusao, Panay,Panitan at Sigma sa Capiz;
Higit na naapektuhan ang mga pataniman ng palay, mais, high-value crops, manukan, pangisdaan, irigasyon at agri-facilities.