-- Advertisements --

Tumaas pa sa mahigit P1 billion ang iniwang pinsal sa sektor ng agrikultura at imprastruktura sa Cagayan province kasunod ng pananalasa ng bagyong Neneng at Maymay sa northern Luzon sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa pinal na ulat mula sa Cagayan provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO), nasa P474.2 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng inprastruktura at agrikultura dahil sa bagyong Neneng habang nasa P533 million namang halaga ang nawala sa dalawang sektor dahil sa bagyong Maymay.

Dahil dito, apektado ang mga magsasaka ng mais at palay kung saan nasa P447.2 million pananim ang nasira base sa datos ng PDRRMO.

Iniulat pa ng PDRRMO na ang mga napinsalang struktura ay mga kabahayan, kalsada, gymnasiums, day care centers, waiting sheds, mga school buildings at barangay health stations.

Una rito, nasa dalawang katao na ang kumpirmadong namatay sa nagdaang bagyo sa Cagayan habang nasa mahigit 6,000 indibidwal naman ang apektado.

Isinailalim din ang mga barangay ng Santa Ana, Santa Praxedes, Allacapan at Sanchez Mira sa state of calamity dahil sa impact ng nagdang mga bagyo para para mapabilis ang paghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.