Isang lalaking Pinoy na inakusahan ng pagpapatakbo ng isang ahensya na nag-aayos ng daan-daang mga sham marriage para sa immigration purposes ang umaming guilty sa conspiracy ng marriage at immigration fraud.
Si Marcialito Biol Benitez, o mas kilala bilang “Mars”, ay inaresto noong Abril ng nakaraang taon dahil sa pag-aayos ng mga sham marriage at pagsusumite ng mga mapanlinlang na green card applications para sa humigit-kumulang 600 non-US citizens.
Nag-operate si Benitez sa kanyang opisina sa Los Angeles.
Ang kaso ay nakitaan ng kabuuang 11 defendants, kabilang ang anim na Philippine nationals, na kinasuhan ng conspiracy to commit marriage fraud at immigration document fraud.
Sa ilalim ng di-umano’y scheme, ang mga co-defendants ni Benitez ay tumutulong sa pagsasampa ng papeles, habang ang iba naman ay magre-refer ng mga kliyente sa ahensya ni Benitez.
Ang ahensya ay magsasagawa ng mga seremonya ng kasal, at magtuturo sa mga kliyente at asawa sa kanilang interview sa US Citizenship and Immigration Services.
Sa ilang pagkakataon, nagsusumite rin sila ng mga fraudulent applications para sa mga visa sa ilalim ng Violence Against Women’s Act.
Babayaran naman sila ng mga kliyente ng $20,000 hanggang $35,000.
Ang 49-anyos na si Benitez ang ika-7 defendant na umaming guilty sa kasong ito. Ang mga Pilipinong sina Engilbert Ulan, Nino Reyes Valmeo, at Harold Poquita ay naka-iskedyul para sa jury trials sa Nobyembre.
Si Benitez kasama ang isa pang co-defendant na Filipino na si Juanita Pacson ay masesentensiyahan naman sa Enero.
Makukulong naman ito ng hanggang 5 taon, may 3 years supervised release, at $250,000 multa.