Hindi umano alam ng Pinoy na nakabase sa Los Angeles, California, kung paano ilalarawan ang nararamdamang saya ngayong nakapasok na ito sa Top 23 ng “The Voice” Season 16.

Sa kanyang online post, “pretty speechless” ang 22-anyos na si Jej Vinson kasabay ng pasasalamat sa tiwala ng kanyang coach na si Judge Kelly Clarkson.

“Pretty speechless. Top 13. I’m out of words, but I want to thank @kellyclarkson for seeing something in me. This process has been crazy and I’m so grateful for everyone that I’ve met in this show,” ani Vinson.

Nabatid na hindi talaga bahagi ang Pinoy contender sa top eight contestants na binoto ng American audience, pero ginamit ng kanyang coach ang “save” power at siya ang pinili sa kanilang team members.

Sa kanyang performance kanina (Manila time), inawit ni Vinson ang “Love Lies” ng American singer na si Khalid.