GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang Pinoy matapos dapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) nakaraan araw sa bansang Iceland.
Ito ang sinabi ni Bombo International correspondent Cherry Candrejo na residente ng GensanVille, Bula, General Santos City na ngayon naninirahan sa nasabing bansa.
Dagdag nito na noong nakaraang araw lamang napaulat na namatay ang nasabing overseas Filipino worker (OFW).
Mahigpit na rin umanong ipinatutupad ang social distancing sa naturang bansa para maiwasan ang pagdami ng nasabing sakit subalit hindi naman nagpatupad ng lockdown.
Normal umano doon ang paglabas ng bahay habang ilang negosyo kagaya ng gym, mga swimming pool ang hindi nagbukas habang nasa normal ang operation ng mga paliparan.
Binigyan din sila ng linya na magamit para tawagan ang mga health worker kung mayroon naramdam na kakaiba sa nasabing sakit para agad itong malunasan.
Nalaman sa Iceland may 1,754 na kaso habang 1,224 ang nakarekober na at siyam naman ang namatay.