-- Advertisements --

Pinoy, napabilang na sa higit 30 pelikula sa US kung saan ang pinakabago lang ay ang On Sacred Ground na inilabas lang ngayong taon; Nagbigay-payo din ito sa mga gustong pumasok sa pagiging artista

Hindi man umano malaki ang role na ginagampanan, masaya pa rin ang nararamdaman ng isang Pinoy na maging bahagi sa higit 30 ng pelikula sa Estados Unidos.

Sa panayam ng Star Fm Cebu kay Rex Alba na nakabase sa Ohio, sinabi nitong masaya siyang kinilala ang kanyang role sa pelikulang On Sacred ground na inilabas lang ngayong taon na pinagbidahan nina Amy Smart at David Arquette.

Sinabi pa ng Alba na ito ang kanyang kauna-unahang stunt role at ang istorya ay patungkol pa sa sinirang sacred ground ng Indian tribe sa Dakota pipeline.

“It feels goods to be part of it. Kahit hindi malaking role but atleast naexperience mo man lang yun paano how they make movies here, how they make magic sa movies. It’s such an experience,” saad ni Alba.

Samantala, ngayong taon din ipapalabas ang More than a Game ni Lebron James kung saan ito siya ay magsisilbing reporter.

Maliban dito, ilan pa sa movies kung saan ito napabilang ay ang I am Wrath kasama si John Tarvolta, naging parte din ito ng American Ninja warriors season 9 at sila din ang gumagawa ng stunts sa Fast and Furious 8.

Payo pa ng 43 anyos na Boholano sa mga gustong pumasok sa pagka-artista na dapat habaan ang pasensya, laging handa dahil anumang oras ay posibleng iangat ang ibinigay na role at higit sa lahat magtiwala sa sarili.

“Ang pinaka-importante is just staying with it. Just stay focus at the same time wag kayong makinig sa mga sinasabi ng iba. Kasi dati sinasabihan ako ng tatay ko “hindi ka pweding mag-artista. Hindi ka matangkad. Hindi ka gwapo masyado.Hindi ka masyadong smart.” I mean siguro dahil ayaw talaga nila na masaktan ako sa mga failures. But, that’s okay. Just move on and do whatever you want in life and have fun,”dagdag ni Alba.

Sinabi pa nito na kung may isang pelikula man itong pagbibidahan, nais niyang tungkol ito sa kanyang sarili dahil marami itong pinagdadaanan sa buhay at may mapupulot na mga aral.