-- Advertisements --

Hinatulan na ang Filipino national na binansagang “Walis Tambo Man” na nakunan ng larawan na kabilang sa mga nagprotesta na lumusob sa US Capitol noong January 6, 2021.

Ibinaba ng US District Court ang hatol laban kay Kene Brian Lazo na may parusa na 45 araw na pagkakakulong.

Una nang naaresto si Brian noong buwan ng Mayo noong nakaraang taon sa kanyang bahay sa Norfolk, Virginia.

Sinasabing napagaan ang hatol sa Pinoy dahil sa pagpayag nito na pumasok sa plea agreement kaugnay sa kinakaharap na kasong misdemeanor.

Kung maalala si Walis Tambo Man ay kasama sa libu-libong mga supporters ni dating US President Donald Trump na tinukoy ng Federal Bureau of Investigation na kasama sa mga grupo na iligal na pumasok sa US Congres o US Capitol.

Natunton naman ang pagkakakilanlan kay Lazo sa pamamagitan ng kanyang mga social media posts.

Nagpaabot na rin si Lazo ng pagsisisi na naging bahagi sa pag-atake sa US Capitol na nagresulta noon sa pagkasawi ng limang nasawi at maraming mga sugatan.

Nabulgar din na bago pa man ang insidente ng malaking kilos protesta, nahaharap ‘di pala ito sa kasong sexual battery sa isang bata sa estado ng Virginia.