-- Advertisements --

Tinalo ni Filipino strawweight champion Jeremy “Jaguar” Midao si Chinese fighter Li Tao Miao sa ONE NexGen.

Sa unang round pa lamang nagpakawala ng mga suntok na nagdulot ng pagkasugat sa mukha ni Miao.

Hindi pa huminto ang Pinoy fighter na paulanan ang kalaban ng mga suntok pagpasok ng ikalawang round.

Dahil dito ay napilitan na ang referee na pahintuin na lamang ang laban pagkatapos ng 50 segundo ng ikalawang round.