-- Advertisements --

Buhos pa rin ngayon ang mga pagbati ng Pinoy fans matapos muli na namang nakasungkit ng korona ang Pilipinas sa larangan ng pageant.

Ito’y kasunod ng pagkapanalo ng isang Boholanong si Elci Camacho sa ginanap na Mr. Universe 2022 noong Oktobre 10 hanggang 16 sa bansang India.

Si Camacho ay isang batikang pageant competitor kung saan nanalo itong Hari sa Sugbo noong 2018.

Mula noon ay nakikipag-agawan na para sa mga titulo habang gumagawa ng mga short films at nag-handle pa ng mga liga ng basketball.

Dati rin itong Misters of Filipinas contestant noong 2018.

Noon pa man ay pangarap na nitong kumakatawan sa bansa sa international stage.

Sa kanyang national costume, suot nito ang Datu Lapu-lapu inspired costume na gawa ng isa sa pinakamahusay na designer ng Cebu na si Kenneth Malayka Yamas.