-- Advertisements --

Muli na namang nagkamit ng gold medal ang Philippine karteka na si James Delos Santos.

Nagwagi kasi ito ng gintong medalya sa Okinawa eTournament World Series.

Tinalo nito ang mga pambato ng US, Sweden at Mexico bago talunin ang Morocco sa huling round.

Dahil sa panalo ay mayroon na siyang kabuuang 32 gold medals ngayong taon.

Nalalapit na niyang mapantayan ang 36 gold medal na kaniyang nakuha noong 2020.

Noong Oktubre 2020 ay nakuha ni Delos Santos ay nakuha nito ang unang puwesto sa buong mundo.

Mayroon siyang 33505 points na sinunda ni Matias Domont ng Switzerland na nasa ikalawang puwesto na mayroong 18115 points.