Humakot ng medalya ang ilang mga pambato ng Pilipinas sa katatapos lamang na
Asian Nations Online Chess Cup.
Ito ay makaraang masungkit ni International Master Paulo Bersamina ang gold medal, habang si Grandmaster Banjo Barcenilla ay nagbulsa ng silver at si WIM Jan Jodilyn Fronda ay nag-uwi naman ng bronze sa individual board awards.
Ang 22-anyos na si Bersamina ang tinanghal na best performer sa mga Pinoy chess players dahil sa natipon na seven points sa anim na panalo, dalawang draws at isang talo lamang sa board three.
Si Barcenilla ay pumangalawa sa veteran Indonesian GM Susanto Megaranto.
Si Barcenilla na two-time Battle of the GMs champion, ay nagtala ng kabuuang six points out of eight kabilang na ang shock win sa top Indian GM Surya Shekhar Ganguly, ang highest rated chesser sa torneyo.