-- Advertisements --

Kabilang na ang Filipino boy band na SB19 sa listahan ng “favorite boy bands of all time”.

Ayon sa American magazine na Teen Vogue na isa ang Pinoy boyband sa 33 boy groups na napili ng kanilang readers at followers.

Kasama nila sa listahan ang BTS, iconic British band na The Beatles, BoyzII Men, Jackson 5, SHINee at One Direction.

Nabuo ang banda noong 2016 kung saan ilan sa mga kantang ipinasikat ay ang “Bazinga”.