-- Advertisements --

Nakuha ni Filipino boxer Melvin Jerusalem ang WBO world minimumweight belt matapos pabagsakin ang Japanese boxer na si Masataka Taniguchi.

Umabot lamang sa dalawang round ang laban na ginanap sa Osaka, Japan dahil pinabagsak agad ng 28-anyos na si Jerusalem ang nakalabang boksingero.

Tinangka pa ng Japanese boxer na tumayo subalit naging matindi ang pagtama ng right straight na suntok ng Pinoy boxer at muli siya nitong pinabagsak.

Mayroon ng 20 panalo at dalawang talo si Jerusalem habang ang Japanese boxer ay mayroong 16 na panalo, apat na talo at 11 knockouts.