-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si Mark John Yap matapos na hindi nakapasok sa weigh-in sa featherweight fight niya kay Miguel Marriaga.
Mayroon kasi itong timbang na 136.7 pounds na mas mabigat sa 128-lbs. limits.
Sinabi ni Yap na tinanggap lamang niya ang laban kay Marriaga sa loob lamang ng halos dalawang linggo kaya nagkulang ito ng panahon para makapagbawas ng timbang.
Sa kaniyang social media post, nag-sorry ito sa kaniyang mga fans at dahil sa siyam na araw lamang ito naabisuhan ay hindi ito nakapaghandang mabuti.
Mayroong 30 panalo, 15 talo at 15 knockouts si Yap habang si Marriaga ay mayroong 29 panalo, tatlong talo at 25 knockouts.