-- Advertisements --

Nakuha ni Filipino boxer Jason Paden Vayson ang titulong World Boxing Council (WBC) Continental Lightweight champion matapos talunin si Nutlai Lalbiakkima ng India sa laban na ginanap sa Dubai World Trade Center.

Naging matindi ang palitan ng suntok ng magkabilang panig hanggang nanaig ang Filipino boxer na tinaguriang “Striker” sa loob ng 10 round.

Pumabor sa kaniya ang mga judges sa score na 94-97, 97-93 at 94-96.

Sinabi ni Vayson na pinaghandaan niya ang nasabing laban para makapasok pa sa mga mas malalaking torneo.

Wala pang talo sa 10 laban ang boksingero mula sa Bayugan, Agusan del Sur kung saan lima sa mga laban nito ay sa pamamagitan ng knockout.