Pinoy boxer, handa na sa WBA Asia Minimumweight championship ngayong katapusan ng buwan kontra sa Vietnamese champ
“Masaya, excited at may halong kaba.”
Ito ang naging paglalarawan ng Pinoy boxer sa nalalapit na laban nito ngayong Nobyembre 30 sa Bangkok Thailand kontra kay Vietnamese Champ Huu Toan Le.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay WBF Asia-pacific Minimumweight champ Jake “El Bambino” Amparo, sinabi nitong puspusan ngayon ang kanyang ginawang pag-eensayo para sa nalalapit na laban.
Inaasahan na rin umano ng 25 anyos na Boholano na hindi maging madali ang laban dahil sa tingin pa umano nito ay malakas din ang kanyang kalaban.
Kasalukuyang rank no. 9 sa mundo ng WBA ang 29 anyos na Vietnamese at walang talo sa 5 laban na may 3 knockout.
Samantala, ito na ang pangalawang laban ni Amparo sa labas ng bansa kung saan ang una ay noong nakaraang buwan laban sa boksingerong si Mthokozisi Ngxaka sa South Africa at nanalo ito via unanimous decision.
Kasalukuyan ngayong mayroong record si Amparo na 11 wins, 3 loss, at 1 draw.
Umaasa naman itong maipanalo pa rin niya ang laban at humiling sa mga tagasuporta na isama ito sa kanilang mga panalangin