-- Advertisements --
Naging matagumpay ang unang sabak sa light-heavyweight category ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial.
Nagwagi kasi ito laban kay Dalai Gadzorin ng Mongolia sa score na 5-0 sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Dahil panalo ay pasok na si Marcial sa round of 16 ng men’s 80 kgs. class.
Si Marcial na rin ang pangalawang boksingero na nagwagi sa kasalukuyang Asian Games kung saan unang tinalo ni Mark Ashley Fajardo si Dorji Wangdi ng Bhutan sa first round.