-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals si Pinoy boxer Eumir Marcial matapos patumbahin si Weerapon JongJoho ng Thailand sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Nakalusot si Marcial sa standing eight-count ng unang round at matapos nito ay umarangkada na siya para sa 80kgs. class nitong Linggo ng gabi.

Pinaulanan nito ng magkakasunod na solid right hook para tuluyang mapatumba ang kalaban sa loob ng 14 segundong natitira sa last round.

Aminado ito na sa unang round ay kinabahan ito dahil sa standing eight-count at mas matangkad ang nasabing kalaban.

Susunod na makakaharap ni Marcial ay si Ahmad Ghousoon ng Syria na tinalo si Shabbos Negmatulloev ng Tajiksitan sa light-heavyweight quarterfinal fight.