-- Advertisements --
Pumanaw na ang batang baseball star ng bansa na si Jerome Yenson sa edad 24.
Natagpuan ang kaniyang bangkay sa kanilang bahay sa Nueva Ecija.
Naging manlalaro si Yenson ng Adamson Falcons noong UAAP Season 80 ng talunin ang La Salle.
Tinanghal siyang Best Pitcher, Finals MVP at kabilang sa all-UAAP Team.
Naging bahagi siya national baseball team na nanalo ng gold medal noong 2019 Southeast Asian Games.
Nanguna naman ang Philippine Amateur baseball Association (PABA) at Adamson University Alumni Sports Executive Group sa pagpapaabot ng kanilang pakikiramay.
Magdiriwang sana siya ng ika-25 kaarawan nito sa Setyembre 30.