-- Advertisements --
Maaring magiging epektibo na sa buwan ng Marso ang panukalang pagpapataas ng diskuwentong ibinibigay sa mga binibiling grocery ng mga senior citizens at persons with disability (PWD).
Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakapulong na niya ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa nasabing usapin.
Ayon naman kay DTI Undersecretary Carolina Sanchez na sang-ayon sila sa nasabing hiling na dagdag diskuwento para sa mga seniors at PWD.
Sa kasalukuyan kasi ay nakakakuha ng P65 na diskuwento sa mga grocery kada linggo ang mga seniors at PWD.
Ang nasabing halaga ay mula sa computations na 5 percent discount para sa maximum allowable purchase na P1,300.