-- Advertisements --

Hawak na ng isang 113-anyos na lalaki sa Venezuela ang titulo na pinakamatandang lalaki na nabubuhay sa mundo.

Kinilala ng Guinness World Record si Juan Vincente Perez Mora ng Venezuela ng ito ay magdiwang ng kaniyang kaarawan noong Mayo 27.

Isinilang si Mora noong 1909 sa El Cobre, Venezuela.

Bago naging sheriff ay naging trabahador muna ito sa isang sakahan.

Aabot na sa 18 apo, 41 na mga great-grandchildren at 12 great-great grandchildren ito.

Dating hawak ni Saturnino de la Fuente Garcia ng Spain ang record subalit ito ay pumanaw noong Enero sa edad na 112 at 341 na araw.

Habang hawak naman ni Lucile Randon ng France ang ‘worlds oldest living person’ sa edad nitong 118.