-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pormal nang inilipat sa susunod na taon ang pagdiriwang ng pinakamalaking festival sa Bicol na Rodeo Masbateño.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa Provincial Tourism head na si Gerardo Presado, napagkasunduan nila na isagawa na lamang ito sa susunod na taon dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus pandemic.

Maliban sa Rodeo Festival, halos lahat din ng idaraos pa sanang aktibidad ngayong taon ay kinansela na rin.

Layunin kasi nito na maproktektahan ang mga mamamayan laban sa nakakamamatay na sakit lalo na’t nakapagtala na ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 ang lalawigan matapos ang pagiging “COVID-free” ng ilang buwan.

Aminado rin ito na malaki ang kalugian ng pagkasuspinde ng naturang festival sa sektor ng turismo lalo na sa ekonomiya ng lalawigan.

Subalit sa kabila nito, unti-unit na ringa binubuksan ang ilang mga tourist attraction ng lugar para sa pagbangon muli ng ekonomiya.