Reading Time: 1 minute

Target ideploy ng Philippine Navy ang kanilang “most powerful warship” na BRP Conrado Yap sa West Philippine Sea o sa Mindanao.

Ayon kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral (VADM) Robert Empedrad, malaking tulong sa kampanya kontra terorismo ng pamahalaan kung idedeploy sa Mindanao ang nasabing corvette warship dahil kahit maliit na barko ay hagip nito lalo na kung may mga teroristang magtangkang pumasok sa bansa gamit ang southern backdoor.

Ito ay dahil sa mga taglay nitong mga makabagong capabilities.

Malaking tulong din aniya ito sa pagpapatrolya sa ating teritoryo dahil kayang magtagal sa karagatan ng PS39 sa loob ng 20 araw lalo na ngayon na mainit ang isyu sa mga Chinese warships na dumadaan sa Philippine waters ng hindi nagpapaalam at pinapatay ang kanilang Automatic Identification System (AIS).

Pero bago ang magiging deployment ng BRP Conrado Yap, isasailalim muna ito ng Philippine Navy sa endurance test.

Kabilang dito ang pag-iikot sa buong bansa mula Luzon hanggang Mindanao at maging sa Benham o Philippine Rise.

“Dalawa lang ang pwede niyan Wescom AOR or Mindanao, because of this capability ilagay mo sa gitna ng dagat lalo na Mindanao area kung may gumalaw na terorista or threats using our waters very accurate siya automated ang lahat ng system niya, matatamaan niya kahit napakaliit na barko ng kalaban na dumadaan,” wika ni VADM Empedrad.