-- Advertisements --
Naitala kahapon ng Pilipinas ang pinakamababang kaso ng Coronavirus disease 219 (COVID-19) na mahigit 3,000.
Ayon sa Department of Health (DoH), ang kabuuang active case na 3,177 ay pinakamababang kaso ng nakamamatay na virus ngaong taon.
Nakapagtala naman ang Health department ng kabuuang 139 na bagong kaso kahapon.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang 3,687,567 ang bilang ng mga dinapuan ng virus mula noong Marso 2020.
Pero nasa 3,623,938 katao naman ang nakarekoer pero lumobo na sa 60,452 ang namatay.
Karamihan pa rin sa mga naitalang kaso sa loob ng dalawang linggo ang National Capital Region (NCR) na mayroong 905 infections at sinundan ng Calabarzon na may 280 at Central Luzon na may 230.