Naitala ng Department of Health (DoH) ang pinakamababang aktibong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng tatlong buwan.
Sa pinakahuling data mula sa DoH, sa ngayon ay nasa 18,392 ang aktibong kaso na pinakamababa mula noong Hulyo 15, 2022.
Mayroon namang 782 na bagong kaso ng COVID-19.
Ito na ang ikatlong araw na mas mababa sa 1,000 ang aktibong kaso ng nakamamatay na virus.
Dahil dito, pumalo na sa 4,006,635 ang kabuuang kaso ng naturang virus sa bansa mula nang tumama ang pandemic noong taong 2020.
Ang bilang naman ng mga nakarekober ay nadagdagan ng 1,058 kaya ang nationwide recovery tally ay nasa 3,924,064 na.
Nasa 34 naman ang bilang ng mga namatay na pinakamababa sa nakalipas na siyam na araw.
Pumalo na rin sa 64,179 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Samantala, sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang mayroong pinakamataas na infection na 4,355 cases at sinundan ng Calabarzon na may 2,624, Western Visayas mayroong 1,577, Central Luzon mayroong 1,536 at Davao Region na may 1,077.